^

Para Malibang

Anak ‘Di Kinikilala ni Tatay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Namatay na ang nanay ko at ako na lang ang naiwan sa tita ko. Sinubukan kong magpakilala sa tatay ko na may sarili nang pamilya, pero tinanggihan naman ako.

Pasensya na raw at ayaw niyang masira ang pamilya niya na hindi alam na meron siyang anak sa iba. Masama ang loob ko, pero hindi ko na pinagsiksikan ang sarili ko. Minsan gusto kong gumanti na mag-post sa Facebook na ibulgar ang sekreto ni tatay. Pero ayaw ko na rin ng gulo. Tama ba ako? – Marvin

Dear Marvin,

Masakit man ang nangyari ay kailangang natin tanggapin. Tama na huwag nang ipagpilitan ang sarili kung ayaw ng tatay mo. Huwag kang mag-alala, mabilis lang ang karma. Pagtuunan na lamang ang iyong sariling buhay. Balang araw kapag nagkapamilya ka ay maging tapat sa iyong misis at mahalin ang iyong mga anak. Upang hindi sila matulad sa iyong sinapit sa buhay.

Sumasainyo,

Vanezza

 

IDAING MO KAY VANEZZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with