Radiation mula sa Cell Phone
Paano nga ba malilimitahan ang paggamit ng cell phone radiation sa sarili at mga anak? Ang American Academy of Pediatrics ay sinusuportahan ang idea na limitahan ang mga bata at teenager sa paggamit ng cell phone.
Pinapaalalahan ang mga magulang na ang cell phone ay hindi dapat gawin laruan ng mga sanggol o toddlers para patahimikin sila.
Mayroong ilang safe tips ng paggamit ng cell phone para sa pamilya. Gaya ng gamitin lang hanggang maaari para sa pag-text. Gamitin ito ng naka-speaker mode o may hands-free kits. Kung makikipag-usap sa cell phone, subukan na ilayo ng isang inch mula sa tainga. Hanggang maaari ay saglit lamang itong gamitin o kailangan lamang.
Laging limitahan ang screen time ng anak upang mabawasan din ang exposure nito sa radiation mula sa devices.
- Latest