Bubuyog Pinakaimportanteng Nilalang sa Earth
Ayon sa mga scientists, maituturing most important animal on the planet ang mga bubuyog.
Responsible sila sa pag-transfer ng pollen sa mga flowering plants. Nakasalalay ang mga halaman na ating kinakain sa pollination sa tulong ng mga bubuyog.
Ayon sa research, ang mga bubuyog din ang dahilan ng pollination ng 80% na wildflowers sa Europe.
Pero alam n’yo ba na maraming species na rin ng bubuyog ang nasa listahan ng endangered animals?
Ayon pa sa Greenpeace report, 60% hanggang 80% ng mga pagkaing ating kinakain ay nangangailangan ng pollinators tulad ng bubuyog. Kasama sa percentage na ito ang mga prutas, vegetables, seeds, at mani na ating kinokunsumo araw-araw.
Kaya naman kailangan nating alagaan sila dahil unti-unti na silang nauubos. ‘Pag nangyari ‘yun, maaapektuhan ang buong Earth lalo na tayong mga tao.
- Latest