Home-made na milktea
Usung-uso ngayon sa bansa ang milktea. Hindi mawawala ang presence nito kahit saan ka magpunta maging sa mga probinsya. Katunayan, ayon sa report ay pumangalawa ang mga Pinoy (numero uno ang Thai people) sa pinakamaraming bilang ng mga umiinom ng milktea sa Southeast Asia.
Kaya nga lang, may kamahalan ang milktea. Ang presyo nito ay nagkakahalaga mula 70php hanggang 160php.
Pero alam n’yo bang madali lamang gumawa ng milktea? Narito ang recipe na pwedeng-pwede ninyong gawin sa bahay:
Ingredients:
6 black tea
1 malaking fresh milk
honey o maple syrup (pampatamis)
tapioca pearl
dalawang tasa ng tubig
brown sugar
Paraan Ng PagLuluto:
Iluto ang tapioca pearl depende sa directions sa package nito. Ilagay sa malinis na lagayan.
Pakuluan ang lahat ng black tea, brown sugar ,at i-set aside hanggang lumamig.
Sa isang lalagyan, ilagay ang tapioca pearl, black tea, at fresh milk. Lagyan ng honey/maple syrup depende sa panlasa.
I-serve nang may yelo. Enjoy!
- Latest