Dragon fruit face mask
Hinuhulaang magsu-swak ang paggamit ng dragon fruit sa pagpapaganda ayon sa mga beauty guru. Marami na ngayon ang nagtatanim ng nasabing prutas kaya naman mas visible na ito sa mga pamilihan. Marami rin ang namumuhunan sa pagtatanim nito tulad na lamang sa probinsya ng Ilocos Norte.
Mataas ang vitamin C nito na nakatutulong upang mabawasan ang redness at inflammation sa pamamagitan ng pagbu-boost ng blood flow ng ating kutis. Amazing source rin ito ng vitamin B6 kaya naman nakatutulong ang pagkain nito upang ma-regulate ang ating hormone levels kaya liliit ang tiyansa sa pagkakaroon ng breakout.
Bukod pa sa gaganda, ang dragon fruit ay mayroong antioxidants at natural form of collage na makabubuti sa pagpapabata ng kutis.
Maaaring kainin nang direkta ang laman ng dragon fruit o kaya naman ay durugin ang laman nito at saka ilagay sa mukha, ibabad ng 15 minuto, at saka banlawan ng maligamgam na tubig.
Isa pang benefit ng pagkain nito ay ang mataas na vitamin E at C content nito. Nakakaprotekta ito sa damage ng UV rays. Mayroon din itong proteins at skin-repairing enxymes.
Maaari itong kainin nang direkta o kaya naman ay ihalo ang laman nito sa honey at gawing face mask.
- Latest