Intellectual affirmation sa opinyon ng anak
Kapag pinipintasan ang opinyon ng anak na teenager, malamang ay magalit, sumama ang loob, at kahit na maging bitter.
Mas higit na nagsusungit at patuloy na lumalaban. Ang resulta ay napipigilan na mag-mature, nagiging makasarili, at hindi tama ang opinyon na nadadala rin nito sa adult life.
Kung napapansin ay may mga nakatatanda na mali ang paniniwala at kakaiba ang ideas.
Sa malas, ang ganitong tao ay nahihirapan na umunawa sa social, spiritual, o emosyonal na relasyon.
Kadalasan ay sumasakay sa agos na ang mga ideas ay malayo sa katotohanan at antagonistic ang opinyon.
Hanggang maaari ay ipadama sa teenager ang unconditional na pagmamahal. Sa pamamagitan ng eye contact, physical contact, at ang pokus o atensyon ng magulang ay nasa anak. Bigyan sila ng intellectual affirmation sa pakikinig sa sinasabi ng anak.
Respetuhin ang kanyang opinyon na huwag itong pintasan o husgahan. Upang makita ng anak na siya ay responsable sa kanyang iniisip at maramdaman nitong magkaroon ng balanseng tiwala sa sarili at opinyon din ng ibang tao.
- Latest