Teamwork ng mag-asawa
May mga young couple o kahit matagal nang nagsasamang mag-asawa ang hindi iniisip na magpa-book ng reservation kung mayroong mahabang biyahe. Ang katuwiran ay bakit nga ba magpapa-reserve kung hindi alam kung gaano kalayo ang trip.
Pagdating sa destinasyon ay saka lamang naghahanap ng motel, pero walang vacant na iniisp na lamang na bahagi pa rin ito ng adventure. Ngunit inaabot na ng hatainggabi ay wala pa ring kuwarto na makita, kasama pa naman si misis na naghihintay para makapagpahinga o makapag-honeymoon na sana ang mag-asawa, pero aabutin pa ng 3 a.m. ang susunod na slot.
Ganyan din sa mag-asawa na hindi lamang dapat iniisip ang sarili kundi pati ang security at safety ni misis. Pati na rin ang kapakanan na dapat ay priority ni wifey ang need ni mister. Sa kahit anong marriage ang union at team work ng mag-asawa ay mahalaga.
Hindi dapat maging rivalry o katunggali na parang nakikipagkumpetisyon sa asawa. Hindi puwedeng kanya-kanya ng diskarte o “do it my way” ang style. Subukan pa rin na magdesisyon at mamimili na magkakampi sa maraming isyu. Kahit sa mga simpleng desisyon kung paano babayaran ang mga bills, paanong tutupiin ang damit, o pagliligpit ng mga gamit sa bahay.
Laging magkaroon ng challenge na isipin ang choices na makakaapekto sa mag-asawa. Kahit pa open sa mga ibang posibleng mangyari. Huwag lamang isakripisyo na nagpupuyat kasama ang barkada o kaibigan, dahil wala nang worthy na ilaan ang oras na makapiling si misis sa bahay.
- Latest