Endometriosis at Fertility
Ang endometriosis ay ang abnormal na paglaki ng endometrial tissue tulad sa nangyayari sa lines sa interior ng uterus o matres ang kaibahan nga lamang ay sa labas ito ng matres tumutubo.
Ang endometriosis ay may apat na stages (I-minimal, II-mild, III-moderate, at IV-severe) depende sa eksaktong kinalalagyan nito, lalim ng endometriosis implants at presensiya na laki ng scar tissue bukod pa sa presensiya at laki ng endometrial implants sa matres.
Karamihan sa mga kaso ng endometriosis ay minimal or mild na nangangahulugang may superficial implants at kaunting pagpepeklat.
Ang moderate at severe endometriosis ay tipikal na nagreresulta sa cysts at mas malala ang pagpepeklat.
Ang stage ng endometriosis ay walang kinalaman sa degree ng symptoms na nararanasan ng isang babae ngunit karaniwan ang infertility sa stage IV endometriosis. (SOURCE: www.medicinenet.com)
- Latest