Pagmumuni ng milyonaryo
Akalain ba na pati ang milyonaryo ay hinahamon ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga tanong sa kanyang isipan.
Kalimitan ang tanong ng mga mayayaman ay siyempre ayon sa mga information patungkol sa kanilang sarili. Kahit naman ang mga ordinaryong tao ay nagmumuni rin patungkol sa mga bagay-bagay.
Ang mga milyonaryo ay nagtatanong kung paano pa palakasin o pauunlarin ang kanilang sarili, samantalang ang mga karaniwang tao ay mas nakapokus lamang kung paano pahinain ang kakayahan nito.
Ang tanong ng mga mayayaman ay kung paano ma-hit ang isang milyon sa isang taon. Habang mga middle class ay naka-stick lamang sa mga practical na isyu gaya ng kailan kaya tataasan ang sahod nito ng kanyang boss.
Samantalang ang milyonaryo ay nakatuon kahit sa mga mahihirap na sitwasyon, saka mag-iisip kung ano ang puwedeng matutunan sa kabila ng negatibong kalagayan.
Pero ang ordinaryong tao, nagtatanong bakit nangyayari sa kanya ang masaklap na kapalaran sa kanyang buhay. Saka maglalasing na lulunurin ang sarili dahil sa problema. Ilulugmok pa ang talaga ang sarili sa puntong napapahamak na rin pati ang kanyang misis at mga anak.
Ang milyonaryo ay bumabangon at mag-iisip ng paraan kung paano lulusutan ang gusot ng buhay.
- Latest