^

Para Malibang

Patuloy na paglaki ng tiyan ng isang lalaki, ‘di matukoy ang dahilan!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Pitong taong gulang lamang daw noon si Sujit Kumar, 19, mula Muzaffarpur, Bihar, India, nang mapansing lumolobo diumano ang kanyang tiyan.

Simula noon, lumala na raw ito, at hindi raw matukoy ng mga doktor kung bakit. Wala naman daw kasing nararamdamang kakaiba si Kumar, hindi siya nagkaroon ng kahit anong sintomas tulad ng diarrhea o kahit pagsusuka.

Alalang-alala ang ina niyang si Kanchan Devi sa kanyang sitwasyon. Dinala na raw siya nito sa iba’t ibang doktor pero binibigyan lamang daw sila ng pansamantalang pain reliever.

Dahil sa kalagayan ni Kumar, pinayuhan siya na magpunta sa siyudad ng New Delhi kung saan mas maraming magagaling na doktor ang makakatulong sa kanya, pero mahirap lamang ang kanilang pamilya kaya hind nila ito makakaya.

Lumaking palaging nabu-bully si Kumar dahil sa kanyang mala­king tiyan, nahihirapan siyang makipagkaibigan at makisalamuha sa ibang tao.

Ngayon ay naka­hanap na siya ng kaliga­yahan sa pamamagitan ng kanyang trabaho bilang mekaniko, at kung saan din siya nagkaroon ng mga kaibigang hindi siya hinuhusgahan.

Ayon sa report, isa sa pangunahing problema ng bansang India ay ang kakulangan sa healthcare policies, schemes at diagnostic facilities. Walang batas ang nasabing bansa tungkol sa medical disability. Ang ibig sabihin lamang, ang mga taong tulad ni Kumar ay hindi maaaring makapasok sa maaayos na mga pasilidad ng mga ospital at wala ring pagkakataong makakuha ng benepisyo na kanilang kinakailangan.

SUJIT KUMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with