Paano mag-isip ang milyonaryo?
Ang mayayaman na tao ay hindi lang nag-iisip tungkol sa kasalukuyan, kundi maging kinokonsidera ang potential na future. Ibig sabihin ay mayroong setting of goals na puwedeng umabot ng ilang taon o dekada, hindi lamang lingguhan o buwan.
Mas mahaba ang pag-stretch ng pag-iisip patungkol sa hinaharap na mas nagiging hamon sa isang indibidwal. Kung mag-iisip ng long term na goals ay napipilitan na magkaroon ng big picture sa mga posibleng mangyari para doblehin ang effort upang maabot ang target. Sa halip na short term isyu na madalas ang pinoproblema lamang ay kung paano babayaran ang bills sa darating na buwan.
Samantalang ang mga milyonaryo ay iba kung mag-isip. Hindi lamang mga temporary na comfort ang inaatupag, kundi naghahanap ng paraan kung paano magkaroon ng financial freedom.
Ang ganitong mindset ng mga milyonaryo ay senyales kung gaano kaimportante ang magkaroon ng pasensya. Dahil ang patience nga naman ay isang virtue.
Pero ang mga ordinaryong tao ay mas iniisip kung paano gamitin ang kanilang credit card sa kalaunan ay nagkukumahog kung paano babayaran ang kanyang mga utang.
Dahil ang mas mahalaga sa mga karaniwang tao ay hangad na magkaroon ng comfort, samantalang sa mga milyonaryo ay mas gusto na magkaroon ng kalayaan na walang utang.
Ang mayayaman ay mas pinipiling i-delay ang sarap, kundi dini-debelop ang disiplinang unahin ang goals na mag-invest para sa future.
- Latest