^

Para Malibang

Hungry ghost month (Part I)

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

May paniwala ang mga Chinese na kapag ika-7 buwan ng Lunar calendar, ang pintuan ng impiyerno ay binubuksan para pakawalan ang mga nagugutom na kaluluwa.

Ang mga kaluluwang ito ay pupunta sa mundo ng mga buhay para maghanap ng makakain nila. Or worst, ang sasaniban nila para makawala sa impiyerno. Ang Hungry Ghost Month ay magsisimula sa August 1 hanggang August 29, 2019. Upang maiwasan ang kamalasang dulot ng Hungry Ghosts, narito ang rules na kailangang tandaan:

1—Huwag magpapagabi sa daan. Baka sumama sa iyo ang naglalamyerdang kaluluwa. Sa gabi ay malakas ang energy nila habang ang mga tao ay humihina kaya mabilis silang masasaniban.

2—Huwag ititirik ang chopstick sa iyong kanin. Bukod sa ito ay bad table manner, ito ay kahalintulad na nagtirik/nagsindi ka ng incence stick para sa patay. Dagdag pa rito, parang isinumpa mo na mamatay ka na sana. Maaaring mapagkamalan ng mga kaluluwang gumagala na para sa kanila ang kanin na tinirikan mo ng chopstick kaya maaakit itong pumasok sa bahay ninyo.

3—Huwag kumuha ng photo sa gabi. Baka may lumabas sa photo na ikakatakot mo.

4—Sa umaga mag-celebrate ng birthday kung tatapat ito sa Hungry Ghost Month. Sa umaga rin gawin ang pagbo-blow ng candle sa birthday cake.

5—Iwasang magbukas ng payong sa loob ng bahay lalo na ito ay kulay pula. Maaakit ang naglalamyerdang kaluluwa na pumasok sa inyong bahay at sa inyong payong mamahay.

6—Huwag maglalaro ng ouija board or spirit of the glass.

7—Huwag gumamit ng black or dark cutex sa inyong mga daliri. Baka mapagkamalan ka ng mga kaluluwa na kasamahan ka nila at isama ka pabalik sa impiyerno.

8—Huwag pumunta sa sementeryo o pumasok sa abandonadong bahay. Paniguradong may namamasyal doon na kaluluwa at sumama ito sa iyo pag-uwi sa inyong bahay. (Itutuloy)

HUNGRY GHOST MONTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with