Paghalik sa buwaya naging hobby na!
Agaw-eksena ang isang lalaking nagsisilbing guide sa mga turista sa bansang Costa Rica dahil umano sa paghalik nito sa mga buwayang nakatira sa Tarcoles River.
Ayon kay Juan Cuerdas, naging ‘hilig’ niya na raw ang paghalik at pagpapakain sa mga buwaya. Ang ilog na tirahan ng mga ito ang sinasabing may pinakamalaking bilang ng populasyon ng mga buwaya sa buong mundo, at ang karamihan sa mga ito ay American crocodiles na madalas na matatagpuan sa lugar ng Florida. Lumalaki ito ng hanggang 17 feet long at may bigat na ilang daang tonelada.
“Not as aggressive as they would have us believe,” pagbabahagi ni Cuerdas.
Naging tourist attraction na ang nasabing ilog sa mga nagdaang taon, at nakilala na rin ito sa tawag na puente de cocodrilo o crocodile bridge.
Tuwing tanghali, makikita rito ang mga naglalakihang buwaya na nagsa-sunbathing.
Samantala, kamakailan lang ay may report diumano ng animal cruelty sa mga buwaya sa ibang lugar, halos isang daang buwaya raw ang pinagpapatay dahil kinain daw ng mga ito ang isang lokal.
Ang mga buwaya ay pagmamay-ari ng isang businessman sa West Papau, Indonesia.
- Latest