Katotohanan tungkol sa daliri ng kamay
Magandang kapalaran ang dulot ng tuwid na daliri.
Mahaba ang buhay ng taong tuwid at mahaba ang daliri pero hindi niya ugaling magpakita ng tunay niyang nararamdaman.
Maghihirap ang lalaking may baluktot na daliri.
Mabibiyuda o hindi magkakaanak ang babaeng may baluktot na daliri.
Hindi yumayaman ang taong nanunuyo ang daliri.
Kung may “gap” o siwang ang inyong mga daliri kapag pinagdikit: paghihirap ang ibig sabihin.
Kung ang siwang ay sa pagitan ng hintuturo at panggitna: careless at pabigla-biglang magdesisyon.
Kung ang siwang ay sa pagitan ng panggitna at palasinsingan: walang ingat sa kanyang mga kilos kaya nagbibigay siya ng masamang impresyon sa ibang tao.
Kung ang siwang ay sa pagitan ng palasinsingan at hinliliit: matigas ang ulo at prangka.
Mahabang hinliliit na halos umabot sa dulo ng palasinsingan: magtatagumpay mula sa sarili niyang pagsisikap.
Hindi totoong suwerte ang may sobrang daliri. Ang dulot nito ay paghihirap, magulong relasyon at posibleng maikling buhay.
Ang babaeng may bilugan at malamang hinlalaki: Mayaman ang mapapangasawa.
Kapag magsinghaba ang panggitnang daliri at hintuturo: suplada at conceited. Kung ang hintuturo ay nakahilig patungo sa panggitnang daliri: mapagmataas.
- Latest