Dengue fever outbreak
Para mabawasan ang pagdami ng lamok, linisin o tanggalin ang mga kalat o gamit sa mga lugar na puwedeng pamugaran ng mga mosquitos.
1. Lumang gulong
2. Pinaggamitang lata
3. Flower pots o base
4. Regular na palitan ang mga lagayan ng tubig o pagkain ng mga alagang ibon at aso
5. Laging lininis at takpan ang mga ipunan ng tubig gaya ng balde o drum
6. Walisin ang paligid ng kabahayan pati na ang tabi ng kanal.
7. Tanggalin ang mga nakatambak na gamit na puwedeng gawing hideout ng mga lamok.
Huwag nang hintayin pang magkaroon ng dengue ang isa sa miyembro ng pamilya, kundi protektahan ang sarili at buong kaanak mula sa lamok.
Ang kagat ng infected na lamok na may dengue sa isang indibidwal sa pamilya ay posibleng kumalat ang infection sa inyong tahanan.
- Latest