Dapat bang ipaalam kay mister o misis ang lahat ng iyong binibili?
“Siyempre naman. Si misis ang nagba-budget ng pera namin sa bahay kaya dapat lang na sabihin ko sa kanya ang mga gamit na binibili ko. Saka ayokong may tinatago sa kanya. Parte na rin yun ng transparency namin sa isa’t isa. May posibilidad kasi na kapag tinago ko sa kanya ang binili ko, eh gayahin niya ako at mawalan siya ng tiwala sa akin.” - Cyrus, Tondo
“Depende kung gaano po ba kamahal ang binili kasi kung hindi naman ganun kamahal, okay lang pero kung major purchases yan tulad ng sapatos, dapat sasabihin mo bago ka bumili at hindi kapag nabili mo na.” -Toni, Pasay
“Hindi naman kailangan. Kasi hawak namin ang kanya-kanyang pera. Naghahati kami sa bills. Wala kaming pakialaman sa mga binibili ng isa’t isa basta siguradong nakakapaghulog kami sa savings namin.” - Rolando, Malabon
“Oo naman. Bilang mag-asawa kasi iisa na kayo kaya kailangan wala kang tinatago sa misis mo. Mas mabuti na yung ganun. Saka nagpapaalam ako talaga pag may gusto akong bilhin. Ganun kasi ang gusto niya. Gusto niya hinihingi ko palagi ang opinyon niya.” - Onyok, Iloilo
“Depende sa set up ng mag-asawa yan. Kasi kami ng misis ko, okey lang sa amin na bumili basta hindi kami nagkukulang sa budget. Lagi kaming may savings at investment. Kailangan mas malaki ang napupunta sa ipon” - Dante Iloilo
- Latest