Makalat na kuwarto ng mag-asawa
May epekto sa pagsasama ng mag-asawa ang kaayusan ng kanilang silid-tulugan. Ganito ang paraan ng pagpupungsuy ng kuwarto para maiwasan ang pag-aaway o pangangaliwa:
1--Ibilad sa araw ang mga ginagamit na unan at mattress. Tapos ay pausukan ang buong kuwarto ng mabangong incense stick buwan-buwan.
2--Alisin ang mga kalat sa ilalim ng kama kagaya ng lumang diyaryo, lumang album at iba pang lumang gamit.
3--Huwag maglalagay ng display na tubig sa loob ng silid-tulugan.
4--Huwag maglalagay ng mirror sa tapat ng kama.
5--Kung full moon ay magbilad ng tubig (kahit gaano karami) para gamitin sa paliligo at paglilinis ng silid-tulugan. Ang tubig na gagamitin sa paliligo ng mag-asawa ay babaran ng pitong klaseng bulaklak o bulaklak na may iba’t ibang kulay.
6--Ang southwest ng inyong bedroom ay sabitan ng larawan ng bundok o displeyan ng crystal.
7--Mag-spray ng tubig sa paligid lalo kung alam mong polluted ang inyong kapaligiran.
8--Pinturahan ang southwest ng kuwarto ng dilaw. O, gumamit ng kurtina at pangdispley na kulay dilaw kung imposibleng magpintura.
9-- Maliwanag na bumbilya ang gamitin sa southwest.
- Latest