Dapat bang mamalo si tatay?
“Hindi ako nakatikim ng palo sa tatay ko dahil only girl ako sa limang magkakapatid. Pero isang tingin lang niya sa akin alam ko na ang ibig sabihin na dapat akong tumino or else grounded ako.” - Maybelyn, Parañaque
“Tatay ko cool na hindi siya namamalo, kundi sasabihin niya ang puwedeng mangyari kapag ginawa mo ang isang bagay. Bawal magloko o gumawa ng mali, kundi lagot na hindi ka niya pagbubuksan ng pinto at sa labas ka matutulog.” – Jessie, Bataan
“Grabe ang tatay ko, hindi yun palaimik, pero kapag nagalit lahat kami tiklop. May ruler siyang na pamalo. Pero kapag grabe ang kasalanan ay walis tambo ang ihahataw niya sa puwetan namin. Kaya lumaki kaming matitinong magkakapatid dahil sa mahigpit na pagdidisiplina ni tatay.” – Minerva, Quezon
“Si tatay namamalo, pero nakalatag na ang rules kung ilang palo na ang pinakamarami ay lima. Bago siya mamalo ay pag-uusapan muna ang kasalanan at ipapaliwanag niya kung bakit kami papaluin dahil mahal daw niya kami. Pagkatapos ng palo ay yayakapin na kami ni tatay. May usapan na hindi na namin dapat ulitin ang kasalanan namin. Ito rin ang rules at seremonyas na ginagawa ng mister ko ngayon sa mga anak namin,” – Josephine, Batangas
“Never kaming pinalo ni tatay, ayaw daw niya yung ginagawa ng tatay niya na bugbog sarado ang inaabot niya. Kaya open kaming magkakapatid at pamilya na magsabi at mag-usap ng mga problema namin sa bahay.” – Micah, Bacoor
- Latest