Life number
Part 1
Ang Life Number ang tutukoy kung ano ang magpapahina ng physical and emotional conditions ng isang tao at ano ang dapat gawin para maiwasan ito. Upang malaman ang iyong LIFE NUMBER, kuwentahin ang sum total ng iyong kumpletong birthday. Halimbawa: June 23, 1970 = 6 + 5 + 1 + 9 + 7 + 0 = 28 = 2 + 8 = 1 Life Number. Ang two digit na sagot ay i-add upang maging single number.
LIFE NUMBER 1—Masyadong busy sa career kaya napapabayaan ang kanyang kalusugan. Tandaan ninyo, mahalaga ang physical exercise para mapanatiling maganda ang kalusugan.
LIFE NUMBER 2—Worrier ang taong may Life Number 2. Laging problemado kahit wala namang dapat problemahin. Sakit ng ulo, nerbiyos, palpitation ng puso, bukol ay ilan lamang sa nagiging bunga ng pagiging worrier.
Meditation (pagninilay-nilay) ang mabisang paraan upang hindi maaburido. Ang pakikipag-usap sa Diyos ay isang halimbawa ng meditation.
LIFE NUMBER 3—Aktibo at hindi tumitigil sa katatrabaho. Madalas tuloy napapagod.
Dapat nilang maisip na hindi mabuti sa katawan ang sobrang pagpapagod. Matutong mag-relax. Maglaan ng sapat na oras para sa pagpapahinga.- Itutuloy
- Latest