Ritwal na routine para sa matagumpay na araw
Ang bawat araw ay pagkakataon para sa maraming bagay. Pagkakataon na gumawa ng tama at hayaan ma-hit ng bola palapit sa goal line. Kahit ano pa ang nangyari kahapon, may tsansa tayong magsimula ng bagong umaga.
Umaga pa lamang ng bawat araw ay nagtatakda na ng panibagong pahina ng ating buhay. Ang mga happiest, healthiest, at pinakamatagumpay na tao ay alam kung paano yakapin ang mga advantages ng kanilang maghapon. Ano nga ba ang kakaibang ritwal na dapat gawin?
Gratitude – Kapag sinimulan ng may joy at love sa puso at isipan ay nagbabago ang pananaw ng iyong araw. Ang pag-practice sa maliit na pasasalamat ay nagpapa-improve ng self-confidence kung paano bilangin ang mga blessings sa bawat umaga. Pagsisimula ng bago – Ngayon ang bagong araw at pagkakataon na matuto, magtagumpay, magsaya, at mag-adventure. Mabuhay para ngayon, hindi para kahapon, hindi para bukas, at hindi rin para sa ibang tao. Ngayon ang iyong moment. Positive – Magbasa ng book of Proverbs, Psalm, o ibang chapter sa Bible. Mag-quote ng verse, magbasa ng inspirational book. Ang masasayang tao ay naglalaan ng oras na mag-isip ng positibong bagay na nanalangin na maging maayos at magtagumpay ang maghapon.
Sa paggising pa lang sa umaga ay pagtatayo ng momentum ng mga magaganda at maayos na routine upang makontrol ang araw at ariin ang tagumpay.
- Latest