Teamwork ng mag-asawa
Ang teamwork ay mina-maximize ang lakas at inilalabas ang best sa bawat member ng team. Madalas maraming hindi talented o mahusay, pero dahil sa teamwork ay gumagaling ang performance.
Gumagana rin ito sa mag-asawa. Ang matibay na marriage ay may built in na teamwork na walang “ako” kundi laging “tayo.”
Ang tingin sa teammates ay hindi kalaban kundi nagtatag ng ka-bonding na nagpo-promote ng unity, loyalty, maaasahan, at support. Ito ay nakatutulong upang malampasan ang mga hamon na magkasama.
Kahit unique na individual na kakaiba ang lakas o pananaw, pero ang relasyon ay nagiging powerful at influential bilang united na team kung kaya nagiging winning team ang mag-asawa.
Ang susi ng couple ay pagmamahalan sa isa’t isa. Ayon sa research, kapag in love ay nagpo-produce ng ilang euphoria na chemicals na nagpapagana ng 12 areas sa brain na sabay nagpa-function ng taong in love.
Parang dose ng cocaine na parehong nararanasan ng couple na aapektuhan ang brain na kapwa sabay din na nati-trigger ang sensation ng euphoria sa paggana ng kanilang brains na sabay mag-isip bilang teamwork ng mag-asawa.
- Latest