Luya at Jojoba Oil
Maraming beses nang naisulat sa column na ito kung papaano solusyunan ang pagkakaroon ng dandruff.
Pwede itong gamutin sa pamamagitan ng iba’t ibang home remedy at iba’t ibang essential oils tulad ng castor, coconut, at tea trea oil.
Maaari rin itong mawala sa paggamit ng baking soda, apple cider vinegar at iba pa.
Pero alam n’yo ba na nakatutulong din ang luya para masolusyunan ito? Tama, ang luyang paborito nating ilagay sa sabaw at paggigisa ay nakagagaling din ng dandruff.
Mayroon itong anti-inflammatory at antiseptic properties na siyang makatutulong sa pagtanggal ng pabalik-balik na balakubak.
Pagsamahin lang ang tatlong kutsarang dinurog na luya at apat na kutsara ng jojoba oil. Pagkatapos nito ay ilagay ang mixture sa anit at masahihin.
“This treatment is ideal to use overnight. Just wear a plastic cap secured with a comfortable head wrap and rinse out with shampoo in the a.m.”
- Latest