Bayan ng mga Manika
Ang bayan ng Nagoro na matatagpuan sa mga nakatagong lambak ng Shikoku, Japan ay unti-unting nalugi dahil sa kawalan ng trabaho.
Ang mga residente rito ay nagsisi-alisan na at naghahanap ng magagandang oportunidad sa ibang lugar, ang iba naman ay namatay na, dahilan para maging abandonado na ang nasabing bayan.
Pagkalipas ng 11 years, bumalik ang isa sa mga residente ng Nagoro na si Ayano Tsukimi para magbigay ng tribute sa mga namayapa niyang kakilala. Pinuno niya ng naglalakihang manika ang village, nire-represent daw nito ang mga kaibigan niyang yumao.
Aabot na sa 350 na mga higanteng manika ang nakatira ngayon sa Nagoro, kapalit ito ng mga taong umalis at sumakabilang buhay.
Aksidente lamang daw ang pagkakagawa ni Tsukimi sa mga ito. Hindi raw kasi tumubo ang mga butong itinanim niya kaya naman naisipan niyang gumawa na lang ng scarecrow na pabor din naman sa kanyang ama. Doon lang din pumasok sa isip niya na i-recreate ang kanilang village.
Gawa ang mga manika sa straw, fabric, at mga lumang damit para magmukha itong hindi nakakatakot.
Patuloy pa rin si Tsukimi sa paggawa ng mga manyika at inilalagay niya ito sa bungad ng kanilang village para raw maka-akit ng mga bisita at turista.
- Latest