Negatibong coping mechanism
Ang indibidwal na nakararanas ng nervous breakdown ay nahihirapan na mag-isip, hindi maalala ang mga bagay, hirap magdesisyon, o hirap din tapusin ang mga tasks. Tumataas ang kawalan ng pag-asa; kung kaya hindi healthy ang coping mechanisms nito na ibinabaling sa pag-iinom, pagsusugal, nagkakaroon ng stress eating habits, o laging galit kahit sa simpleng bagay.
Sa physical na symptons ay hindi maipaliwanag ang iniindang sakit ng katawan. Tulad ng tiyan, masakit ang ulo, muscles, sumasakit ang dibdib, pagod, at nagkakasakit ng madalas. Higit sa lahat ay iniiwasan ang kanyang schedule ng treatment.
Alin man sa mga nabanggit ang symptoms ng breakdown ay kailangan bigyan agad ng atensyon. Dapat mapansin agad ng mga kasama sa bahay o kaibigan ang anomang senyales na nakikita sa pasyente. Bago pa tuluyang hindi na ito totally mag-function ng normal.
Makatutulong na malaman agad ang mga warning signs upang makahingi ng professional na tulong para mabigyan ng treatment ang nararanasan ng pasyente.
- Latest
















