Home Remedy sa Taghiyawat
Masasabing ang lemon ang best home remedy para sa oily skin. Mayroon itong citric acid na siyang tutulong para ma-neutralize at ma-control ang oil secretion sa oily skin. Dahil dito, mayroon itong kakayahan para mabawasan ang taghiyawat.
Tumutulong din ang acid para masugpo ang harmful acne causing bacteria at para mabawasan ang appearance ng pimple scars.
Samantala, nagbibigay naman ang honey ng antibacterial properties. Napapanatili rin nitong malambot ang kutis.
Sundin lang ang sumusunod:
Mag-squeeze ng dalawang kutsarang fresh lemon juice sa isang malinis na lagayan. Maglagay ng honey na may kaparehong dami. Ihalo nang mabuti ang mixture at ilagay sa mukha at leeg.
Maaaring gumamit ng bulak sa paglalagay nito.
After 15 minutes, hugasan ito sa malamig na tubig. Agad na mapapansin na nabawasan na ang pamamaga ng inyong taghiyawat. Gawin ito ng atleast dalawang beses sa isang linggo.
- Latest