Kuwago niyakap ang kanyang rescuer
Agaw buhay ang great horned own na si Gigi nang dalhin siya sa Wild at Heart Rescue center sa Mississippi sa America.
Malaki ang tama sa ulo ng nasabing kuwago matapos siyang salpukin ng sasakyan.
“This bird was one of the most critical we have ever taken care of,” sabi ni Missy Dubuisson, founder ng nasabing grupo. “The fact that this bird has lived is beyond comprehension.”
Binigyan ng special attention at extensive treatment ang nasabing ibon. Tinutukan siya ni Douglas “Doug” Pojeky, na kilala rin bilang “birds of prey whisperer.”
Si Doug ay isang retired US Navy na ngayon ay volunteer ng rescue center.
“In all my years of working with birds of prey, I have never seen someone with such a bond with these magnificent birds,” paliwanag ni Missy.
Sa tagal nga ng oras na ginugol ni Doug kay Gigi ay nagkaroon na sila ng matinding bonding.
Katunayan, nang magbakasyon si Doug sa Michigan kasama ang kanyang pamilya, kakaibang excitement ng naramdaman ni Gigi sa pagbalik ng kanyang rescuer na si Doug.
Niyakap niya ito. Idinikit niya ang kanyang nukha sa balikat ni Doug at ini-spread ang kanyang pakpak na animo’y niyayakap niya ito.
“It literally brings tears to my eyes to watch him interact with these birds,” kwento pa ni Missy. “They absolutely know him and trust him. It’s the trust that you see in her face.”
- Latest