V-Day for Adults Only
Karaniwang nakikita ang hugis na puso tuwing Valentine’s Day, pero kakaiba ito sa bansang Germany.
Ang V-day sa kanila ay for adults only. Mahigpit na pang-mature lang ang subject para sa mga nakatatanda.
Imbes na heart-shaped ang naka-display ay pawang mga picture at korte ng pigs ang nagkalat na dekorasyon sa nasabing bansa. Dahil paniwala nilang ang romance ay simbolo ng nasabing hayop gaya ng pig ay patungkol sa suwerte at tawag ng laman.
Kahit ang mga mag-asawa ay nagpapalitan ng pig figures gaya ng chocolates, perfume, design ng T-shirts, at iba pang items. Kung ang ibang parte ng mundo ay puro si kupido o hugis puso ang mga tsokolate, taliwas ito sa mga Germans.
Samantalang kung noted na sa buong mundo na ang lalaki ang nagbibigay ng regalo sa kanilang mga partners, kabaligtaran ito sa South Korea, dahil tuwing Valentine’s Day ang mga babae ang nagbibigay ng chocolate sa mga boyfriend o mister nila. Hindi naman nagtatampo ang mga babae, dahil pagkalipas ng isang buwan ay mayroon silang celebration na tinatawag na White Day, na ang mga kalalakihan naman ang magbibigay ng favor sa mga babae sa pag-abot ng candy. Hindi pa natatapos ang eksena, dahil ang mga single na friends ay may sarili namang moment sa pagkakaroon ng Black Day tuwing April 14 na kakain sila ng black noodles sa pagdedeklarang wala silang dyowa sa buhay.
- Latest