Ang Paggamit ng Mirror
Last Part
3--Magandang maglagay ng mirror sa bintana ng salas kung may mare-reflect na magandang tanawin ng body of water kagaya ng ilog at lake sa labas ng bahay.
Ang tubig ay simbolo ng kayamanan. Para mo na rin dinala sa loob ng bahay ang kayamanan.
4--Hindi rin dapat nare-reflect sa mirror ang hagdan, lutuan o toilet.
Bakit ?
Hagdan—hindi makakaakyat ang Chi sa itaas ng bahay.
Lutuan—magiging dahilan ng sunog.
Toilet—sa halip na ang negative energy sa toilet ay kasamang napa-flush tuwing magpa-flush ng dumi, ito ay lalabas sa toilet at kakalat sa ibang parte ng bahay.
5--Hindi dapat nakatapat ang mirror sa taong nakahiga sa bedroom.
Magiging balisa ang taong namamahinga kaya’t mabubulabog ang kanyang pagtulog.
- Latest