^

Para Malibang

Style nang Paghuhugas ng Pinggan ni Mister

Pang-masa

Alam n’yo ba na may apat na style kung paano maghugas ng pinggan ang mga lalaki?

Sa style kung paano siya na-train ng kanyang nanay.

Sa paraan na gusto ng kanyang misis.

Sa method na gusto ng kanyang biyenan.

Sa  sariling diskarte kung walang nakatingin.

Ngayon, ang isa sa methods ay tama at lahat ay mali? Hindi ba puwedeng magmadali na lang ba hugasan ang mga kaldero, kawali, pinggan, at baso hanggang marami  pa sa kung anong arrangement niya gustong gawin para matapos na lang ang trabaho. Walang babae na magsasabi na mali ang diskarte ni mister.

Maaaring may tamang paraan nang paghuhugas ng pinggan pero kahit anong method ay hindi big deal sa kanilang buhay may asawa. Ito ay halimbawa ng mga maliliit na taste at preferences sa mga minor points at pagkakaiba na puwedeng madalas na pang peste sa mga major na pagtatalo at problema ng mag-asawa.

Kung patuloy na pupunahin ang mga maliliit na bagay mula sa asawa at sa mga totoong nakakairita at balakid sa inyong relasyon, kailangang tanggihan ang sarili at magkaroon ng pasensya. Sa halip na igiit ang iyong karapatan o ideas sa mga minor na isyu ay pabayaan na lamang ang mga stuff. Imbes na magdakdak at magreklamo para i-express ang hindi gusto sa paraan na nagti-trigger sa mas malaking away nina misis at mister.

Sa pagsasama ay isang daan o isang libong pagkakataon na magtimpi o magtaas ng boses para depensahan ang sarili. Tandaan, marami pang mas malalang bagay sa buhay kaysa sa simpleng paghuhugas lang ng mga pinggan o gamit sa kusina.

Kung paano gustong maghugas ang style na trip ni misis, kadalasan kahit matagal na ang pagsasama ay tini-train pa rin si mister hanggang ngayon.

Anong bagay na nagpapainis sa iyo mula sa asawa? Kaya mo bang palipasin na lang ang maliliit na detalye?

STYLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with