Paano mangutang ang milyonaryo?
Nakagawian na ng mga Pinoy na gumamit ng credit cards para mag-purchase ng basic na pangangailangan.
Kaliwa’t kanan ang loan mula sa pagbabayaad para sa kotse, appliances sa bahay, cell phone, gadgets at iba pang luho na hindi naman masyadong kailangan sa araw-araw.
Ang tendency ay ibinabaon mismo ang sarili sa utang. Dahil nagkukumahog na bayaran ang mga bills.
Kapag hindi updated ang pagbayad ng mga credit card para sa due date ay tiyak na mas malaking interest ang patong agad sa loans.
Pero ang mga super rich na mga negosyante ay nangungutang upang mapalago ang kanilang business. Nag-iisip na ang gagamiting perang inutang ay upang ma-expand pa ang kanilang mga pagkakakitaan.
Hindi naglo-loan ang mga wise na business man para lamang sa material na bagay. Bagkus ay nakikipagsapalaran upang mas kumita ng pera. Saka na lang iniisip ang sariling kailangan. Dapat mag-isip gaya ng mga milyonaro, kahit nangungutang na alam na maibabalik pa rin ang investment. Upang maiahon ang sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa mga negosyo.
- Latest