Nunal
Pulang nunal sa dibdib : mapagbigay at mapagmahal lalo na sa mga anak.
Nunal sa pigi : masuwerte sa pera
Nunal sa likod : malakas ang PR at magaling makipag-usap sa mga tao.
Nunal sa lower leg : masipag, responsable at mahilig sa pagnenegosyo.
Nunal sa palad : palatandaan ng magandang suwerte. May isang tao akong kakilala na may buhay na nunal sa palad.
Kaso, ang sabi ng matatanda ay palatandaan daw iyon ng magnanakaw. Bata pa siya noon kaya naniwala siya.
Kahit alam niya sa kanyang puso na hindi siya magiging magnanakaw kahit kailan, inalis niya ang nunal sa pamamagitan ng unti-unting pag-slice ng nunal gamit ang blade.
Masakit pero tiniis niya. Naalis ang nunal. Ngayong adult na siya at average lang ang kanyang buhay.
Nunal sa may Adam’s apple: hindi siya makasundo ng kanyang pamilya.
Pulang nunal saan man paligid ng pusod: magaling ang panlasa sa masasarap na pagkain ; at palatandaan ng magandang suwerte.
Nunal sa balikat : mahilig makipagtalo at siya ang nasusuwertihang magpasan ng responsibilidad sa buong pamilya.
Malaking nunal sa tabi ng mata o bibig: mahusay magsalita, tsismosa, mahilig makipagtalo, mahusay sa sex.
- Latest