Bucket list na goals ngayong 2019
* Ang goal ko ngayon ay bawasan ang oras ko sa pagsilip sa social media gaya ng Facebook. Dahil nauubos ang oras ko kaka-surf, click, at like. Kapag nag-open ka ng ibang site ay mapapahaba pa lalo ang oras mo. Kaya turn off muna ako sa social media. Aasikasuhin ko muna ang pamilya ko at paglilinis sa bahay namin. – Miles, Novaliches
* Goal ko ngayon na simulan muli ang mag-journal ng pagbabasa ng Bible ko. Gusto kong magkaroon ng time para makapanalangin at makapag-devotion nang mapalapit ako sa Panginoon. – Jamie, Makati
* Isa sa bucketlists ng pamilya ko ay mag-travel kami papuntang Korea. Kaya last year 2018 pa lang ay nakapag-ipon na kami para ngayong bakasyon ay makarating kami sa bansa ng mga Oppa. – Marjorie, Dasma
* Target namin ng mga anak ko na magtipid nang makaipon ng pera para mabayaran na namin ang hulog sa aming bahay. Mahirap din kapag may monthly amortization. Bago tumungtong ng college ang mga anak ko, dapat ay bayad na ang mga bahay namin. Para hindi sabay-sabay ang gastusin ng pamilya. – Mariz, Las Piñas
* Plano ko ngayon na magbasa muli ng libro. Napansin ko dahil sa pagkahilig ko sa cell phone at pag-surf sa social media ay humina ang vocabulary ko na nahihirapan ako sa spelling. Nakakabobo pala talaga ang sobrang pagbababad sa CP. Tuma-ba rin ako dahil puro CP na lang ang inatupag ko. Kaya this time ay magiging busy ako. Wala na rin akong pakialam kung anong nangyayari sa buhay ng mga taong nasa FB friends ko. - Denise, Bulacan
- Latest