^

Para Malibang

102-year-old na lola, nag-skydiving

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Nagsimula sa edad na 100 ang lola na si Irene O’Shea sa pag-i-skydiving, siya ngayon ay 102 years old na at wala pa rin daw siyang balak tumigil dito.

Labing isa na ang apo ni O’Shea, at ayon sa kanya, ginagawa niya ito para sa isang organisasyong sumusuporta sa mga biktima ng motor neuron disease na siyang ikinamatay ng kanyang 67-year-old na anak. Nakalikom na siya ng mahigit $12,000 o 633,000 pesos para rito.

Sinubukan din niyang agawin ang record ng pinakamatandang skydiver sa buong mundo na si Kenny Meyers kung saan 21 days lang ang kanyang tanda at hindi naman siya nabigo.

Sa ngayon, patuloy pa rin sa paglikom ng pera si O’Shea sa pamamagitan ng GoFundMe.

Pangatlong beses na siyang tumatalon sa himpapawid at plano pa niyang bumalik sa susunod na taon para gawin ulit ito.

“Possibly I will jump next year, and, if I live long enough, I’ll jump at 105,” pagbabahagi ni O’Shea habang nakangiti.

vuukle comment

IRENE O’SHEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with