Pag-iingat at Proteksyon ng Diyos sa Pamilya
MANILA, Philippines — Sa isang liham ng mister para sa kanyang misis bago ang pagtatapos ng taong 2018 na gustong i-share ang kanyang kuwento. Mayroon silang siyam na anak na sumulat si mister upang alalahanin ang kabutihan ng Panginoon sa kanilang buhay.
Ang aking puso ay nag-uumapaw mula nang tayo ay magsama sa halos fifty years ng ating buhay. Ang lahat ng sitwasyon ay pinahintulutan ng Diyos na maging komportable kahit sa gitna ng kawalan, hirap, sarap, karangalan, o sa kahihiyan, karamdaman, kalusugan, at pagbibigay ng kakontentuhan sa pagmamahal para sa isa’t isa. Marami tayong dapat ipagpasalamat at magpuri sa Panginoon. Tanging ang kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa ating dalawa.
Sa maikling sulat ay pinatunayan ni mister ang katapatan ng Panginoon sa kanilang mag-asawa sa kabila ng unos sa buhay mag-asawa. Hindi nakakalimutan ni mister ang milestone ng long-term na pag-iingat ng Diyos hanggang pagdating ng kanilang katandaan. Hindi masusukat ang pagpapala at pagkakaroon ng komportableng buhay ng mag-asawa. Gaya ni mister ay dapat pangunahan ang pamilya na walang sawang magbigay pasasalamat sa provision, pag-iingat, at atensyon ng Diyos sa pangangailangan ng bawat miyembro ng iyong sambahayan.
- Latest