Etiquette technique ng anak
Ang repetition ay kailangan sa mga anak upang matuto ng mga social graces.
Ngayong Pasko ay samantalahin ang maraming pagkakataon na ma-practice ng mga bata ang maging appreciative at maihayag kung paano magpapasalamat.
Turuan ang mga bata na magmano at sumagot ng “po o opo” sa mga nakatatanda na hindi dapat mawawala.
Pero ang ibang ninang o auntie ay ayaw magpa-bless dahil nagkakatanda raw tingnan.
Ang simpleng beso ay puwedeng etiquette na technique na ituro sa mga bata ngayong kapaskuhan.
Ang pagtuturo sa anak nang pagsasabi ng “thank you” ay mahalaga. Upang alam ng bata kung ano ang kanyang automatic na tugon kahit hindi nito type ang natatanggap na regalo.
- Latest