Pinakamaanghang na parte ng sili
Isa ang sili sa hindi mawawala sa sawsawan at lutuin ng mga Pinoy. Marami sa atin ang mahilig sa maanghang lalo na sa sawsawang toyo’t suka o bagoong at kalamansi.
Paborito rin itong ilagay sa kaldereta at adobo. Pero paano kung gusto n’yo ng kaunting anghang lang at para sa kapamilyang hindi mahilig dito?
Maraming nagsasabi na kung ayaw daw ng sobrang maanghang sa lutuin ay dapat na tanggalin ang buto ng sili. Pero alam n’yo ba na wala sa buto ang pampaanghang ng sili? Ang capsaicin, na ang chemical compound na nagpapaanghang sa sili ay matatagpuan sa white pith ng sili. Ito ‘yung puting parte na makikita sa gitna.
Kaya sa susunod na ayaw n’yo ng masyadong maanghang ‘pag magluluto ng may sili, siguruhing natanggal din ang puting bahagi nito.
- Latest