Pabor ka ba na tanggalin ang asignaturang Filipino subject sa kolehiyo?
“Ang balita po ay magdadagdag daw sila ng 2nd Foreign language na ituturo and this is a huge opportunities po raw for local and international employment and education grants in Korea for select filipino students. At hindi lang po Korean, madami pa po. Totoo naman ang news na posibleng tanggalin ang ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO. Actually matagal na ito na issue nong 2015 pa kaya lang naghain ng restraining order para hindi muna ituloy dahil libung-libong guro ang maaapektuhan pag nangyari yun.” Jason, Mindanao
“Hindi ako pabor dito dahil napakaraming guro ang mawawalan ng trabaho kapag nagkataon. Ano na lang mangyayari sa kanila sakaling mawala na nga ang Filipino subject sa college?” Liam, Laguna
“Hindi naman porke naituro na noong highschool yung Filipino eh ibig sabihin ay na-master na ng mga Filipino ito. Katunayan, ang iba riyan ay hindi alam kung anu ba yung panlapi, pang-uri, at kung anu-ano pa. Kahit ako hindi gaanong pamilyar doon. Kaya bakit natin ito tatanggalin?” Kirk, Malabon
“Depende po yan. Pwede naman po nila yun tanggalin pero dapat ay palitan nila ng subject na tungkol pa rin sa language na Filipino. Kumbaga mas major. Ginagamit po atin yan araw-araw kaya hindi yan pwede mawala na lang basta.” Ging, Antique
“Nasaan na ang pagiging makabayan natin kung aalisin po yan... Hindi ako masyado maalam sa issue pero mali yan dahil yan ang native tongue natin.” Jerry, Bulacan
- Latest