Pag-atake ng Vertigo
Ang vertigo ay isang sensation feeling patungkol sa sense of balance. Pakiramdam na umiikot ang paligid.
Madalas ang vertigo ay dahilan mula sa inner ear problem. May pagkakataon na nabibingi o biglang parang may mataas na pressure sa loob ng tainga. Kapag naramdaman ito, kasunod na ang pag-atake ng vertigo.
Ang infection sa loob ng nerve ng tainga ay madalas may koneksyon sa ibang sakit na nararamdaman.
Alamin sa inyong doktor ang dahilan ng pamamaga sa loob ng tainga at sa paligid ng nerves na importante na makatutulong sa pagbalanse ng katawan. Narito ang ilang sakit na inuugnay sa vertigo na iniinda.
1. Pananakit ng ulo at leeg
2. Puwedeng ang problema ay dahil sa stroke, tumor, o nagkaproblema ang brain.
3. Maaaring sa ilang medication na nagpapasira sa loob ng tainga.
4. Migraine o pagsakit ng ulo.
5. Nati-trigger ang vertigo sa pagbaling ng posisyon ng ulo.
6. Ang sobrang pag-build up ng fluid na nagpapabago ng pressure sa tainga.
7. Kapag kulang sa tulog o pagpupuyat ay mabilis ma-trigger ang vertigo.
- Latest