^

Para Malibang

Lalaki ipininta ang panggagahasa sa kanya ng isang alien

MRYOSO - Pang-masa

Ang pagbibigay ng puri o virginity ay dapat maging memorable para sa karamihan, pero ayon sa 74-year-old na si David Huggins, 17 years old lang daw siya noon nang maibigay ang kanyang iniingatang puri sa isang extraterrestrial.

Walong taong gulang lamang daw siya noon nang magsimulang makakita ng mga kakaibang nilalang, isa na nga rito si Crescent. Ang alien na sinasabi niyang kanyang nakatalik at kalaunan ay naging nobya.

Inakit daw siya nito habang nasa kakahuyan at doon na naganap ang kanilang pagniniig. Pinatungan daw siya nito at nang maabot niya na ang dulo, iniwanan na siya nito at umalis kasama ang isang nilalang na mukha raw praying mantis.

Nagpatuloy ang kanyang engkuwentro sa mga extraterrestrial hanggang sa kanyang pagtanda, hanggang isang gabi raw habang mahimbing siyang natutulog, may isang boses na nag-udyok sa kanya na ipinta ang lahat ng mga nangyari.

Matatagpuan sa documentary niyang Love And Saucers ang lahat ng kanyang mga obra.

Sa edad niyang 74, bumisita pa raw sa kanya ang nobyang alien na si Crescent, anim na buwan pa lang ang nakararaan. Yumakap lamang daw ito at nagpaalam.

vuukle comment

ALIEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with