Pilyong engkanto, dibdib ng babae ang kahinaan
Madalas na panakot sa atin ng ating mga magulang noong bata pa tayo ay ang mga karaniwang lamang lupa at masasamang elemento tulad ng Kapre, Aswang, Nuno sa punso, Tikbalang at iba pa.
Pero merong isang kakaibang nilalang ang matatagpuan sa Bicol region na kung tawagin ay Tambaluslos.
Ang Tambaluslos ay inihahalintulad din sa Kapre at Tikbalang na mahilig maglaro sa mga taong naliligaw sa kakahuyan. Hitsurang tao raw ito pero malaki ang ulo, mahahaba rin ang kanyang mga kamay, paa at darili at may buhok na hanggang sa puwit.
Ang kaibahan lang ng tatlong nilalang na ito, ang Tambaluslos ay merong napakahabang ari at malalaking balls.
Ito ang kanyang kahinaan, lalo na pag babae ang kanyang pinaglalaruan.
Kailangan lamang daw maghubad ng damit ng biktima at ibaliktad.
Sa pagkakataong iyon, pag nakita ng Tambaluslos ang dibdib ng babae, titigas ang ari nito at matatakpan ang buo niyang mukha. ‘Yun na ang hudyat para makatakas ka.
- Latest















