Creepy Museums
Ngayong Halloween season ay uso na naman ang katatakutang activities sa buong mundo. Marami ring listahan ng creepy museum na puwedeng bisitahin mula sa iba’t ibang bansa at paniniwala na ginawan ng mga skeleton, funeral, at spooky stuff para magkaroon ng scary effect sa gustong kakaibang adventure ng mga tao.
Isa sa listahan ay ang Mummy Museum sa Guanajuato, Mexico na tinatawag Museo de Las Momias. Isang UNESCO World Heritage kung saan ang site ay mayroong isang daan katawan na inilibing sa Santa Paula Pantheon’s crypts noong 19th century.
Sa ibang banda, nadiskubre ang ilang katawan na mummified sa pamamagitan ng natural na proseso na maaaring dahil sa klima. Ang katawan ay naka-display ngayon sa nasabing museum na kapag tiningnan ay talagang nakakatakot.
Meron din Clown Hall of Fame and Research Center na matatagpuan sa Baraboo, Wisconsin ay dedicated para sa kuwento ng sikat na clown sa U.S. na parehong nakakaaliw at kinakatakutan. Kung gusto ng kakaibang torture ng katatakutan ay subukan pumunta sa nasabing museum upang maramdaman kung bakit iniiwasan ang scary clown sa U.S.
- Latest