Leon na inalagaan ng magkapatid, hindi nakalimot
Taong 1969 ay naisipan ng dalawang magkapatid na lalaki sa London ang magpalaki ng leon na pinangalanan nilang Christian.
Nang lumaki na si Christian ay napagdesisyunan ng magkapatid na ibalik ang leon sa Africa kung saan siya nagmula.
Pagkatapos ng isang taon ay nagbalak silang bisitahin si Christian pero marami ang nagsabi sa kanila na naging ‘wild’ na raw si Christian, bukod pa dito ang pagiging pasaway nito at mabangis.
Sinabi pa ng mga ito na baka hindi na sila makilala ni Christian at malamang na saktan lang sila.
Pero nagulat ang lahat nang makita ng leon ang magkapatid. Agad itong tumakbo na parang bata na sinalubong ang magkapatid. Walang nagbago sa pakikitungo ng leon sa nagpalaki sa kanya.
Ang naturang pagtatagpo ay nakuhanan pa ng video.
- Latest