Lalaki patay matapos kumain ng utak ng squirrel
Tatlong taon pa ang lumipas bago maidala sa ospital ang isang 61-year-old na lalaki matapos umanong makaranas ng kakaibang sakit sa ulo.
Ayon pa sa kanya, napansin daw niya ang sarili na parang bumabagal ang kanyang pag-iisip at unti-unti na ring nawalan ng kakayahang makalakad.
Natuklasan ng mga doktor na may Creutzfeldt-Jakob disease (CJD) ang nasabing lalaki at ang pagkain niya ng utak ng isang squirrel ang isa sa mga tinuturong dahilan nito.
Ang Creutzfeldt-Jakob disease ay isang bihira at nakakamatay na sakit na maaaring makuha sa kontaminadong parte ng isang hayop kapag kinain. Unti-unti nitong sinisira ang utak ng isang tao kung saan inaatake ang mga nerve cell.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagkawala ng memorya, pagbabago ng ugali, kawalan ng balanse sa katawan, utal-utal na pananalita, pagkabulag at kawalan ng kakayahang mag-isip.
Taong 1980’s to 1990’s pa raw ang huling beses na nagtala sila ng namatay sa ganitong sakit.
Walang nabubuhay sa sakit na ito kaya naman ang nasabing lalaki ay hindi na rin nagtagal ang buhay.
- Latest