Almonds Bilang Snack
‘Di maikakaila ang hilig ng mga Pinoy sa pagnguya. Mahilig tayo rito tuwing tayo ay nabo-bored, ginagawa bilang appetizer, o kahit simpleng snack lamang.
Pero bukod sa mani at cornick, mas magandang kainin ang almonds dahil marami itong benepisyo sa ating katawan.
Isa sa mga pinakamagandang benepisyo nila ay ang pagiging epektibo nito pangontra sa headache.
Ang 12 pirasong almonds ay katumbas ng 2 aspirins para sa sakit ng ulo.
Maganda rin para sa puso ang almonds at nakabababa ng cholesterol level. Nakabubuti rin ito sa balat dahil magandang source ito ng magnesium at ng vitamin E.
At kung ikaw ay nagpapapayat, isama lang sa diet ang pagkain ng almonds dahil mas nakakabusog ito at nakakaliit ng bewang.
- Latest