Financial Freedom
Ang pagkakaroon ng financial freedom ay nangyayari sa mga taong marunong mag-ipon ng 10% o higit pa mula sa kanilang kinikita sa buong buhay nito.
Ang isa sa smart na bagay na puwedeng gawin sa sarili ay i-develop ang habit ng pagtatabi ng bahagi ng income nito buwan-buwan.
Ang bawat indibidwal at pamilya ay kailangang matutunan na mag-ipon ng pera. Dahil ang pagtatabi ng pera ngayon ay garantisadong may seguridad sa mga posibleng mangyari sa mga hinaharap.
Kahit malayo pa lang ang bonus na matatanggap ngayong December ay pag-isipan na kung saan ilalaan ang pera. Mag-isip kung saan i-invest ang pera, hindi yung puro gastos agad o palabas ang pera ang pinaplano, kung wala pang katiyakan nang pagkakagastusan ng mahalagang bagay ay automatic na ideposito muna sa bangko. Huwag hayaang maging one day millionaire pagkatapos ay nganga na naman kinabukasan.
- Latest