Sexual Narcissism
Ang personality trait ay inili-link sa pagtataksil. Ang mga taong mataas ang personality trait ng ‘sexual narcissism’ ay malaki ang tsansa na magloko sa mga partner ayon sa pag-aaral.
Hindi yung karaniwang tipo ng narcissist, kundi yung sobrang bilib sa kanyang sarili pagdating sa kama na inilalabas ang hilig sa sex sa ibang tao. May mga tao na gagawin ang lahat na maikama lamang ang type nilang indibidwal sa inaakalang deserve ng mga nabibiktima niya ang kanyang galing pagdating sa sex. Kakaiba ang nakukuha nitong sense of fulfillment na feeling nito na regalo ang kanilang pagkalalaki o kaseksihan para sa iba na balewala sa kanila kahit ang magtaksil sa mga mister o misis.
Bale ba, mahusay talaga ang kanilang performance skills pagdating sa kama. Pero wala silang pakialam sa interest o gusto ng kanilang partner. Ang mahalaga sa kanya ay makaraos at matikman ang mga nahuhulog sa kanyang pambobola at karisma. Kinatuwiran na hindi siya na-arouse sa kanilang mga misis o mister at sasabihin sa biktima na “ikaw lang ang nagpapaligaya sa akin sa kama!”
May pag-aaral na ginawa sa 123 na bagong kasal na naka-track sa listahan muna sa isa hanggang apat na taon na pagsasama na tinanong kung kuntento ba sila sa relasyon sa kanilang asawa, pagiging narcissism, at kung nagtaksil sila sa mga partner. Ang sexual narcissism ay multifaceted personality style na ang character na may tendencies na mag-exploit na tumikim sa iba.
Ang resulta ay 5% ng couple ay nakaranas ng extramarital affair na kalahati ay mga mister at misis. Ang factors ng pagloloko ay dahil sa hindi kuntento sa asawa plus natukso sa agresibong performance ng iba. Ang resulta ng pagtataksil ay naapektuhan ang asawa sa psychologically at emotionally. Ang infidelity ng mga misis at mister ay pagkakaroon ng low-esteem ang partner, distress na uuwi sa divorce, o paghihiwalay.
- Latest