^

Para Malibang

Part ng lyrics ng lupang hinirang pabor ka ba na palitan?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Hindi po ako agree sa gusto ni Sen. Tito na palitan ang lyrics. Iyon na po ang nakasanayan ng nakararami. Saka parang nakakabastos po yata sa mga namayapa nang composer ng ating pambansang awit kung babaguhin ito.” Jo, 29

“Pwedeng palitan kung marami ang pumayag pero mukhang mas marami ang hindi sang-ayon kaya sana kay Tito Sen, mag-focus na lang po sana kayo sa ibang dapat pagtuunan ng atensyon tulad ng inflation. Nananahimik po ang Lupang Hinirang. Opinyon lamang po ito. Hehehe peace...” - Luke, 25

“Sa totoo lang may point po si Senator. Mas ma­tapang nga paking­gang yung ‘ipaglaban ang kalayaan mo’ kesa sa ‘ang mamatay nang dahil sayo’. Medyo malungkot pakinggan ang huli pero hindi naman ibig sabihin na kaduwagan ito.” - MC,  40

“Hindi ko gusto ang su­hestiyon ni Tito Sen. Sa hirap po ng panahon ngayon hindi sana yun ang gawin niyang prayoridad. Maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin. Sana ‘wag ang Lupang Hinirang, ang awit na ginagalang ng lahat.” - Boyet, 30

“Maganda ang mensahe ni Sen. Sotto kung bakit niya nais baguhin ang lyrics. Walang masamang intensyon. Pero syempre, mas importante pa rin ang gusto ng mas nakakarami kesa sa iilan.” - Joseph, 25

vuukle comment

PALITAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with