Self-Confidence ng Anak
Ang sarap kung mapalaki ang mga anak na mayroong confidence. Matutunan nilang maka-survive sa street o school life nito. Pero lahat ng mga bata ay humaharap sa mahirap na sitwasyon. Ang self-confidence ay mula sa sense ng pagiging competence. Kailangan ng anak ang positibo at realistic na tingin sa kanyang mga abilidad. Ito ay nahuhubog mula sa maliliit na achievement. Ang pagbibigay ng encouragement ay makatutulong na ma-develop ang tiwala ng bata sa kanyang sarili. Lalo na kung mayroong specific na effort o abilities ang mga bagets.
Tandaan na mahalin ang inyong anak. Obvious na pinakamahalaga na maibibigay sa anak. Kahit hindi ito magawang perfect dahil wala naman talagang perpekto. Laging magdilig ng maraming pagmamahal sa bata.
Kailangang maramdaman ng anak ang pagtanggap at pagmamahal ng kanyang pamilya. Bonus pa ang extention na atensyon mula sa kaibigan at classmates. Kung palaging nakasigaw at binabalewala ang anak, ito ang isa sa mga mali ng mga magulang. Yakapin o magkuwento sa anak na magsabi ng sorry kung kailangan. Ang unconditional na love ay nagbi-build ng malakas na foundation sa confidence ng anak.
- Latest