Nilalamon ng Galit
Ang mga nanay ay nakararamdam ng galit dahil sa pressure ng pagiging magulang na tumataas ang stress habang lumalaki ang mga anak. Hanggang makasanayan ang kadalasang magalit nang sobra. Hindi ito tama na nagiging problema.
Minsan kapag nakipagtalo pa si nanay sa isang bagay na halos hindi na makontrol ang galit ng magulang. Nangangatuwiran pa si nanay sa kanyang galit na sinasabing napapagod sa rami ng ginagawa araw-araw.
Hanggang maunawaan ni nanay na nilamon na siya ng galit. Pumayag si misis na dumaan sa counseling na payo ni mister upang maging maayos muli ang kanyang pakiramdam.
Sa loob ng maraming taon na nagpupuyos ang damdamin na bukod tanging na kinaayawan pala ay ang galit na hindi na nito makontrol. Maaaring binibigyan ng palusot ang nakakasirang behavior na inaakalang tama ang emosyong galit.
Kailangan lang pag-usapan nina misis at mister na pansinin ang nakakasanayang galit na hindi healthy sa relasyon sa pamilya. Puwedeng sa una ay nasisiyahan dahil nagkakaroon ng power kapag galit pero kalaunan ay hindi namamalayan na ikaw na ang nakokontrol nito.
- Latest