Komportableng tawagan sa China
Sanay na tayong tawagin ang first name ng ating mga kaibigan o kakilala. Mas komportable ang maraming tao na tawagin sila sa palayaw o pangalan nila.
Pero huwag magkakamaling gawin ito kapag nasa bansang China. Kabaligtaran sa kanilang ang pagtawag ng pangalan. Hindi sila puwedeng basta na lang tawagin sa first name nila. Laging gamitin ang last name nito at sumunod ang kanilang title.
Sa atin ginagamit lang natin ang last name sa pormal na okasyon gaya sa eskuwelahan, may title, o ginagalang natin. Pero hindi sa mga ordinaryong kuwentuhan o usapan.
Iba ang kultura sa China, consistent na kailangan silang tawagin sa kanilang last name o epilyedo, plus kung mayroong title.
Safe na tawagin sa kanila halimbawa na Mr. Ling kung ito ang last name niya. Hindi sila komportable na nagtatawagan sa kanilang first name. Tanging miyembro lamang ng pamilya o ibang close friend ang nagtatawagan ng kanilang first na pagpapakita ng familiarity o closeness. Pero hindi ang mga estranghero o ibang tao bilang pagbibigay respeto sa kanilang pagkatao.
- Latest